GMRC sa mga paaralan sa Lungsod ng Maynila, ibabalik na

GMRC sa mga paaralan sa Lungsod ng Maynila, ibabalik na

IBABALIK na ng pamahalaan ng Maynila ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) program sa lahat ng mga paaralan sa lungsod.

Inihayag ito ni Mayor Isko Moreno sa isang pulong kasama ng mga opisyal ng Department of Education (DepEd) at Manila Division of City Schools.

Magsasagawa ang pamahalaan ng information dissemination efforts gaya ng mga seminar para sa GMRC program sa mga mag aaral at mga magulang.

Ayon kay Yorme layunin ng lungsod ng Maynila na maibalik ang GMRC program upang maimulat sa mga kabataan ngayon ang kahalagahan ng respeto sa isa’t-isa, malasakit at paggamit ng ‘po’ at ‘opo.’

Dagdag pa ng alkalde na gagawin ng pamahalaan ng lungsod ang buong suporta para sa pagpapatupad ng Republic Act 11476 o ang GMRC and Values Education Act na nilagdahan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Hunyo kung saan isasagawa ang GMRC bilang paksa sa ilalim ng K-12 curriculum.

Sa ilalim ng batas ang GMRC program ay ituturo bilang isang hiwalay na subject para sa mga estudyante mula  Grade 1 hangang Grade 12.

Bukod pa dito ayon pa kay Yorme susuportahan din ng Manila LGU ang science, technology, engineering, and mathematics (STEM) program para naman sa  senior high schools sa pamamagitan ng pagtatag ng  science at  math laboratories.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *