Showbiz

Gloc-9, nagsimula nang magtinda online para pandagdag kita

 

MARAMI nang celebrities ang pinasok na ang pagtitinda online para may pandagdag kita dahil kasalukuyang naka-hold pa ang mga projects nila.

 

Kabilang dito ang rapper-songwriter na si Gloc-9 na nagtitinda na ng basketball jerseys at mga lutong ulam tulad ng fried chicken, menudo, dinuguan sa online store ng pamilya nila na ang ‘Kusina ni Juvy.’

 

Batay sa post ni Gloc-9 mayroon aniyang nagtanong sa kanya bakit siya nagtintinda hindi daw bagay sa kanya.

 

Sinagot naman ito ng rapper at sinabing, marangal naman ang pagtitinda wala namang masama lalo na sa panahon ngayon na kailangan lumaban para mabuhay.

 

Sumang-ayon naman ang mga fans ni Gloc-9 at sinabing dahil sa sinabi ng rapper ay nabawasan ang hiya nararamdaman nila.

 

Ani Gloc-9, kung para sa pamilya gagawin niya aniya kahit anong makakaya niya basta’t marangal at walang tinatapakang karapatan ng iba.

 

 

SMNI NEWS 

 

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close