Global death toll dahil sa COVID-19, umabot na sa 3,253

Global death toll dahil sa COVID-19, umabot na sa 3,253

UMABOT na sa 3,253 ang death toll dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo.

Sa nasabing bilang, 2,981 rito ay mula sa Mainland China.

Nakapagtala naman ng 272 na bilang ng mga nasawi sa iba pang mga bansang infected ng virus kung saan pinakamarami sa Italy na sinundan ng Iran, South Korea at Japan.

Umabot naman sa 95,066 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo, kung saan 51,061 sa mga ito ay naka-recover na.

Tokyo 2020 Olympic, posibleng ipagpaliban hanggang sa katapusan ng taon

POSIBLENG ipagpaliban ang Tokyo 2020 Olympic hanggang sa huling bahagi ng taon dahil sa coronavirus outbreak.

Ayon kay Japan Minister Seiko Hashimoto, nagkasundo ang Tokyo at ang International Olympic Committee (IOC) na dapat ay maisagawa ang olimpiyada sa loob ng kasalukuyang taon.

Gayunman, sinabi ng opisyal na ginagawa nila ang lahat upang masiguro na tuloy pa rin ang Olympics batay sa plano.

Sa ilalim ng hosting agreement, nananatili sa kamay ng IOC ang karapatan upang kanselahin ang naturang prestihiyosong sporting event.

Kung si IOC President Thomas Bach naman ang tatanungin, kumpiyansa ito na magtatagumpay ang Tokyo games.

Idaraos ang Olympics mula Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *