SD cards
National

Ginamit na SD cards sa nagdaang eleksyon, pinanindigang walang problema

MULING nanindigan ng tanggapan ang Comelec na walang nangyaring dayaan at ang ginamit na mga makina at SD cards ay maayos lahat at walang problema

Ito ang matibay na pahayag na nais panghawakan ng komisyon kaugnay ito sa mga naitalang insidente ng hindi paggana ng maayos sa mga VCM,  depektibong SD cards at problema sa transparency servers.

Giit ni Commissioner Sherriff Abas, malinis na na-testing ang lahat ng SD cards sa bansa at wala naman silang nakitang problema ditto.

Taliwas ito sa nangyari sa mismong aktwal na pagsasagawa ng botohan nitong Mayo 13.

Sadyang hindi lang maiwasan ani Abas ang mga problema at normal naman ito gaya ng mga nagdaang halalan na nagkaaberya din sa makina,  cards at servers.

Ayon kay Abas,  bagamat may problema pero higit na mas mainam na pagtuunan ng pansin ang mataas na bilang ng matagumpay na pagdaraos ng halalan kaysa ang maliit na porsyento ng problema na naitala nitong 2019 polls.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *