Gilas Pilipinas women, panalo laban sa India; Team Philippines, mananatili sa division A ng torneyo

Gilas Pilipinas women, panalo laban sa India; Team Philippines, mananatili sa division A ng torneyo

MANANATILI ang Gilas Pilipinas women, sa division A nang 2021 FIBA womens’ Asia cup matapos nilang talunin ang India sa iskor na 74-70 sa isang classification match.

Ito’y sa kabila ng pagkatalo ng Gilas Pilipinas womens sa Chinese Taipei at Australia sa group B.

Pareho namang nakakuha ng 22 points sina Janine Pontejos at Khate Castillo.

Samantala, hindi tatanggap ng spectators o manonood mula sa ibang bansa at kailangang fully vaccinated ang mga atletang sasabak sa Beijing Winter Olympics na gaganapin sa Pebrero.

Ito ang inihayag ng International Olympic team dahil pa rin sa banta ng COVID-19.

Tanging ang mga manonood mula sa Mainland China lamang ang makadadalo sa mga gaganaping event.

Bukod sa pagbabakuna, ang mga partisipante ng Winter Olympics ay kailangang sumailalim rin sa 21-day quarantine pagdating ng mga ito sa Beijing.

Samantala, ilalabas naman ng International Committee ang iba pang alituntunin sa Olympics ngayong buwan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *