Gilas Pilipinas
Sports

Gilas Pilipinas, nag-ensayo na kasama ang national coach Tim Cone

DALAWANG buwan bago ang opisyal na pagbubukas ng ika-30 edisyon ng South East Asian Games ay nagkasama na sa unang pagkakataon ang national basketball team Gilas Pilipinas at ang bagong coach na si Tim Cone.

Nitong Lunes ng gabi nang nag-ensayo ang gilas bilang paghahanda sa nalalapit na SEA Games.

Makokonsidera namang ‘history itself’ ang magiging pagtayo bilang coach ni Cone sa Gilas Pilipinas.

Matatandaan kasing 21 taon na ang nakalipas nang unang hawakan din ni Tim Cone ang national team sa ASIAN Games Bangkok na parehong nanggaling sa ang core players sa team Ginebra ang 15 man pool.

Ngayon na muli nitong pangungunahan ang national team sa SEA Games na gaganapin pa sa bansa ay mas magiging strikto ito dahil sa nalalabing panahong mayroon sila para magsanay.

Kagnay nito, bigo namang makadalo sa unang training ng koponan si June Mar Fajardo dahil ito sa kanyang ankle injury na natamo niya sa kakatapos lang na 2019 FIBA World Cup.

Nakatakda namang mag-ensayo muli ang Gilas Pilipinas sa darating na Huwebes para sa kanilang siyam na natitirang training bago ang SEA Games.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *