Mafia sa PhilHealth
Health National

Ghost dialysis treatment na binabayaran ng PhilHealth, pinaiimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN ni Bayan Muna Party-List Rep. Carlos Isagani Zarate sa pamahalaan ang napaulat na “ghost” kidney dialysis treatment na binabayaran ng PhilHealth.

Ayon sa ulat, patuloy ang paghingi ng WellMed Dialysis & Laboratory Center Corp (WellMed) sa Quezon City sa PhilHealth ng bayad sa dialysis kahit pumanaw na ang kanilang mga pasiyente.

Sinabi ni Zarate na dapat imbestigahan ng pamahalaan ang issue sa mas lalong madaling panahon.

Iginiit ni Zarate na marami ang namamatay dahil hindi kaya ang mataas na bayarin para sa dialysis treatments pero nagagawa pa rin ang gobiyerno ng ilang mapagsamantalang negosyo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *