General population, hindi pa kwalipikado sa COVID-19 booster vaccination

General population, hindi pa kwalipikado sa COVID-19 booster vaccination

PINAALALAHANAN ng Department of Health (DOH) ang publiko na ang general population ay hindi pa kwalipikado para sa booster vaccination.

Noong Miyerkules, sinimulan ng bansa ang pamamahagi ng COVID-19 booster shot para mga fully vaccinated na healthcare workers.

Kasunod nito, marami na ang nanawagan na umpisahan na ang booster vaccination sa mga senior citizen at sa mga indibidwal na may comorbidities, pati na rin sa iba pang priority group.

Sa isang advisory, sinabi ng DOH na “risk-based” pa rin ang desisyon na mag-alok ng booster doses sa mga health worker.

Dagdag ng kagawaran gagawing by phase ang pagmamahagi ng booster doses sa iba pang priority groups.

“The decision to offer booster doses to healthcare workers is still risk-based and its rollout to other priority groups will be implemented on a phase approach,” pahayag ng DOH.

Giit ng DOH mahalaga pa rin na matiyak na ang mga eligible na indibidwal, lalo na ang mga senior citizen, ang mga may comorbidities at ang indigent na populasyon, ay makatatanggap ng kanilang pangunahing dosis.

“More than administering booster doses, it is still important to ensure that the eligible individuals, especially the senior citizens, those with comorbidities and the indigent population, will receive their primary doses,” ayon sa DOH.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *