Archie Gamboa
National

General Archie Gamboa, itinalaga bilang OIC ng PNP

ITINALAGA si Police Lieutenant General Francisco Archie Gamboa, deputy chief PNP for administration bilang officer-in-charge ng PNP matapos na magbitiw sa pwesto si Police General Oscar Albayalde.

Sinaksihan ni Interior Secretary Eduardo Ano ang simpleng turnover ceremony sa pagitan nina Albayalde at Gamboa.

Si Gamboa ay Mistah ni Albayalde sa Philippine Military Academy (PMA) class of 1986.

Ang desisyon ni Albayalde na mag ‘non-duty’ status ay kasunod ng imbestigasyon ng Senado kung saan nadidiin ang kanyang pangalan sa kontrobersya sa nangyaring raid sa Pampanga noong 2013.

Inaasahan ang pagkakaroon ng bagong PNP chief sa Oktubre 29.

Kampanya ng PNP, magpapatuloy

Sa pagbibitiw sa pwesto ni Police General Oscar Albayalde, tiniyak ni PNP OIC Chief Police Lieutenant General Francisco Archie Gamboa na magpapatuloy pa rin ang kampanya ng pambansang pulisya.

Sinabi ni Gamboa na ipagpapatuloy pa rin ang internal security, anti-criminality, anti-illegal drugs at anti-corruption campaign plans ng PNP.

Ito’y alinsunod sa national priorities at direksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inaasahan ang pagkakaroon ng bagong PNP chief sa Oktubre 29.

Umaasa naman si Gamboa na hindi maaaring maapektuhan ang kanilang trabaho dahil lamang sa hindi inaasahang pangyayari sa kanilang hanay.

SMNI NEWS

EVO GSX-3000 Stamina Full Face Helmet with Clear and Smoke Lens

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *