GCQ areas, papayagan nang bumiyahe papuntang Boracay

GCQ areas, papayagan nang bumiyahe papuntang Boracay

MAAARI nang magbakasyon papuntang Boracay ang mga nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) areas kabilang na ang National Capital Region base sa bagong resolusyon na inilabas ng Inter-Agency Task Force.

Ito ang inihayag ni Department of Tourism Usec. Benito C. Bengzon Jr sa panayam ng SMNI kasunod ng pagtanggap ng turista ng naturang isla simula sa Oktubre 1.

“Papayagan na po ‘yong mga turistang manggagaling doon sa mga GCQ areas kasama ang NCR. So this is good news. But, siguro kailangan ko lang emphasize na meron tayong mga protocols na kailangang sundin.”

—Usec. Benito C. Bengzon Jr., Department of Tourism

Kaugnay nito, nilinaw din ni Usec. Bengzon na papayagan ding magbakasyon ang mga turistang nandito pa sa bansa.

Ngunit hindi pa rin maaring pumasok ang mga turista mula sa ibang bansa dahil pinatutupad pa rin ang international travel restrictions.

Sa kabila nito, dapat ang isang turista ay mag-negatibo sa COVID-19 test at ipatutupad pa rin ang mga health protocol sa isla ng Boracay.

Samantala, ang Caticlan Airport ang gagamiting point-off entry ng mga nais bumisita sa isla ng Boracay.

“Napagkasunduan sa IATF, ang gagamitin muna ngayong airport is Caticlan. Siyempre para ma-monitor muna natin at ma-control ‘yong movement. Itong mga airlines, naghahanda na ‘yan sa pag-mount ng mga flights. At meron na rin silang mga bagong protocols, bagong guidelines.”

—Usec. Benito C. Bengzon Jr., Department of Tourism

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *