Gawad Amerika Foundation
Kingdom News

Gawad Amerika Foundation kinilala ang The Kingdom of Jesus Christ at SMNI

KINILALA ng Gawad Amerika Foundation na isang prestihiyosong Filipino-American organization ang The Kingdom of Jesus Christ at Sonshine Media Network International.

Ito ay dahil sa mga magaganda at malalaking kontribusyon nito sa Amerika—lalong lalo na sa larangan ng public service.

Tumanggap ng pagkilala ang The Kingdom of Jesus Christ bilang 2019 Outstanding Restorationist Church habang tinanghal naman na 2019 Outstanding International Media Network ang Sonshine Media Network International ng Gawad Amerika Foundation sa ginanap na 2019 Awarding Ceremonies kamakaylan lamang sa Hollywood.

Mula 2001, kinikilala ng Gawad America ang mga Filipino organizations at indibidwal sa Amerika at Pilipinas dahil sa kahusayang gawa sa larangan ng public service at entrepreneurship.

Kinilala ng grupo si Pastor Apollo C. Quiboloy, ang executive Pastor at leader ng Kingdom of Jesus Christ dahil sa matagumpay na pamumuno nito na mula sa maliit na kongregasyon ay napausbong niya ito sa 7 milyong myembro sa ibat-ibang bansa sa loob lamang ng 34 years.

Itinatag rin ni Pastor Apollo ang Sonshine Media Network International bilang channel ng paghahatid ng magagandang balita at kaliwanagan sa buong mundo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *