National

Gatchalian pinayagang bumiyahe patungong China


Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang mosyon ni Valenzuela City Rep. Weslie Gatchalian na makabiyahe patungong China mula Mayo 11 hanggang Mayo 16.
Sa mosyon ni Gatchalian, sinabi niyang naimbitahan siyang maging bahagi ng official delegation ng Pilipinas sa Belt and Road Forum (BRF) sa Beijing mula Mayo 14 hanggang Mayo 15.
May kinahaharap na kasong graft si Gatchalian kaugnay ng kuwestiyonableng pagbili sa isang thrift bank sa Laguna noong 2009.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *