Gatchalian
National

Gatchalian, pabor na parusahan ang mga abusadong rice traders at retailers

SUPORTADO ni Senador Win Gatchalian ang hakbang ng administrasyon na parusahan ang mga mahuhuling abusadong rice traders at retailers.

Kapag ang mga ito ay nag-over price ng presyo ng bigas sa merkado.

Ayon kay Gatchalian dapat na maparusahan ang mga taong sinasamantala ang kakulangan sa bigas.

Upang kumita kapalit na lalong naghihirap ang mga kababayan na mahihirap.

Bukod dito pabor din ang senador sa plano ng pamahalaan na mag impose ng SRP program sa buong bansa.

Upang maiwasan ang pang-aabuso sa presyo ng bigas sa pamilihan.

Sa kabila nito naniniwala naman si Gatchalian na ang pagpataw ng parusa sa mga abusadong rice traders at retailers ay pansamantala lamang.

Aniya ng senador dapat na agarang ipasa ang panukalang rice tarrification.

Bilang permanent solution sa pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado.

Kasabay nito hinikayat ni Gatchalian ang mga kapwa mambabatas na magkaisa na agarang ipasa ang panukala.

Para magbigyan na ng ginhawa ang mga nagugutom na kababayan.

At upang matigil na rin ang pananamantala ng ilang rice traders at retailers sa bansa.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *