Ebola virus
International

Gamot laban sa Ebola virus, nagpakita ng 90% survival rate sa Congo

DALAWA sa apat na potential Ebola treatments ang nagpakita ng 90% na survival rate base sa isinigawang clinical trial sa ilang pasyente ng Ebola virus sa Democratic Republic of Congo.

Isinagawa ang treatment trial sa lugar na apektado ng major outbreak sa Congo kung saan napatunayang mas epektibo ang mga gamot na kung tawagin ay REGN-EB3 at MAB114 bilang panlaban sa Ebola.

Ang nasabing mga gamot ay na-develop sa pamamagitan ng mga nakuhang antibodies mula sa Ebola survivors na siyang ginagamit upang atakehin ang Ebola virus sa loob ng apektadong pasyente.

Ikinatuwa ng mga siyentipiko ang magandang resulta ng pag-aaral na umano’y makakapagligtas ng maraming buhay habang pinangunahan naman ng World Health Organization ang nasabing pag-aaral simula pa noong Nobyembre 2018.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *