Galvez, humingi ng paumanhin sa publiko dahil sa pagkakaantala ng pagdating ng COVID-19 vaccines

Galvez, humingi ng paumanhin sa publiko dahil sa pagkakaantala ng pagdating ng COVID-19 vaccines

HUMINGI ng paumanhin sa publiko si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. dahil sa naantalang pagdating ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Dahil sa kakulangan ng suplay ng bakuna ay naantala ang vaccination drive ng ilang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila at karatig lalawigan sa kanilang mga residente na nabibilang sa A4 priority group.

Giit ni Galvez na babalik naman sa normal ang suplay ng bakuna sa bansa ngayon Hunyo 14 dahil sa pagdating ng mga karagdagang doses ng bakuna.

Kabilang dito ang 1-million dose ng Sinovac, mahigit 2.2-million dose ng Pfizer-BioNTech at 100,000 dose ng Sputnik V.

Dahil dito ay maaari nang umarangkada ang mga ilang LGU sa pagbabakuna sa mga A4 priority group.

Sinabi naman ni Galvez na ang darating na bakuna ngayong araw sa bansa ay hindi na dadalhin sa main storage facility kundi ididiretso na ito sa mga lokal na pamahalaan.

Bibigyan naman ng prayoridad sa vaccine distribution ang mga lugar sa Mindanao na may mataas na kaso ng COVID-19 tulad ng sa Zamboanga at ilang lugar sa Visayas.

Nasa 60% ng mga bakuna na darating ngayong buwan ng Hunyo ang ibibigay sa mga lalawigan habang 40% ang inilaan para sa NCR Plus.

Sa kasalukuyan nasa 6.4M doses na ang naipamahagi na bakuna sa buong bansa kung saan pumapalo sa 218,000 kada linggo ang nababakunahan.

Samantala, target naman ng pamahalaan na tapusin ang bakunahan sa mga A4 priority group ngayong buwan ng Septyembre o Oktubre kung saan nasa higit 32.5 million ang target na mabakunahan.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na rin mga eksperto ang pagbabakuna sa mga may edad 12 hanggang 17 at kung anong bakuna ang gagamitin para sa kanila.

Ayon kay Sec. Galvez ay maaari sa 4th quarter ng taon ay maaari na ring magsimula ang pagbabakuna sa mga bata o adolescents.

(BASAHIN: WHO, hinimok ang vaccine manufacturers na ibigay ang 50% ng bakuna sa COVAX)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *