Gabbi Garcia, nag-organize din ng sariling community pantry

Gabbi Garcia, nag-organize din ng sariling community pantry

NAG-organize rin ng sarili niyang community pantry ang aktres na si Gabbi Garcia sa kanilang lugar sa Parañaque City.

Sa kanyang Instragram post, ipinakita ni Gabbi ang kanyang pantry at ang mga taong kasama niya sa pagkakawanggawa.

“Posting this with nothing but pure and good intentions 🤍 this is to inspire everyone that despite of the situation, we can all help each…” say ng aktres sa kanyang Instagram.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabbi Garcia ♡ (@gabbi)

Ayon kay Gabbi, layon nitong ma-inspire ang lahat na sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon ng pandemya, maaari pa ring magtulungan ang bawat isa.

Pinasalamatan din ng aktres ang lahat na nagbigay ng kanilang mga donasyon.

Pinuri at pinasalamatan rin ni Gabbi ang lahat ng community pantries sa buong bansa at hinimok na magpatuloy ang bawat isa na magtulungan.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *