Gab Banal, nagsimula nang mag-ensayo kasama ang bagong teammates

Gab Banal, nagsimula nang mag-ensayo kasama ang bagong teammates

NAGSIMULA nang mag-ensayo si Gab Banal kasama ang bagong teammates na TNT Tropang Giga.

Ito ay matapos na lumagda si Banal ng two-year contract sa defending champion matapos itong mapunta sa free agent ng hindi tanggapin ang one-conference offer ng Alaska Aces.

Sa isang pahayag, sinabi ni Banal na nasupresa ito ng mapunta sa TNT.

Aniya, nais pa sana nito na maglaro sa Aces ngunit iba aniya ang naging plano sa kanya ng diyos.

Nagpapasalamat naman ito na maging bahagi ng defending champion team at ni coach Chot Reyes.

Si Gab ay anak ng dating basketball player at coach na si Joel Banal.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *