Fully vaccinated tourist na tutungo sa Ilocos Norte, wala ng COVID-19 test requirements

Fully vaccinated tourist na tutungo sa Ilocos Norte, wala ng COVID-19 test requirements

HINDI na kailangan magpresenta ng COVID-19 results ang mga fully vaccinated tourist na tutungo sa Ilocos Norte simula sa Disyembre 1.

Sa anunsyo ng Provincial tourism office, sinabi nito na ang pagpapaluwag ng panuntunan ay bahagi ng kanilang pagsisikap na gawing madali ang pagbisita ng mga turista sa panahon ng peak season.

Ayon sa Tourism office, kailangan lang ng mga fully vaccinated tourist na ipakita ang kanilang valid Covid-19 vaccination card at sumailalim sa health screening pagdating sa probinsya.

Habang ang mga turista na hindi pa bakunado, partially vaccinated at galing sa mga lugar na nasa alert level 4 ay kailangan pa rin magpresenta ng negative COVID-19 test results.

Kailangan anila ng mga ito na magpakita ng negative RT-PCR test na isinagawa sa loob ng 72 oras bago magbiyahe sa probinsya o negative antigen test na kinuha sa loob ng 24 oras o pagdating sa provincial borders.

Anuman ang vaccination status, sinabi ng Provincial tourism office na kailangan mayroong ang mga turista ng prebooked accommodations na may accredited establishments at individual local quick response-coded tourist passes.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *