nabasag
Showbiz

Frozen 2, nabasag ang highest-grossing record sa kasaysayan ng Thanksgiving weekend

ISA nanamang box office record ang naitala ng Disney matapos ang tagumpay ng pagbubukas ng “Frozen 2” sa sinehan.

Naitala ng Frozen 2 sequel ang highest grossing weekend sa kasaysayan ng pagdiriwang ng thanksgiving matapos itong kumita ng tumataginting na 123.7 million dollars US sales sa loob lamang ng limang araw.

Habang 738.6 million dollars naman ang kabuuang kita nito sa global ticket sales sa loob ng 12 araw.

Naungusan nito ang pelikulang “The Hunger Games: Catching Fire” na kumita noon ng 109 million dollars sa Thanksgiving weekend.

Hindi lang yan dahil hawak na din ng Frozen 2 ang titulong “Biggest Global Opening” at “Highest-Grossing Debut” para sa Walt Disney Animation Studios.

Inaasahang aabot pa sa 1-billion dollar mark ang kikitain ng “Frozen 2” sa patuloy na paglabas nito sa mga sinehan.

Darren Espanto, magiging kinatawan ng Pilipinas sa Asean Korean Culture Innovation Summit 2019

NAPILI bilang kinatawan ng Pilipinas sa Asean Korean Culture Innovation Summit 2019 ang You Singing Sensation na si Darren Espanto.

Ito ay para sa music video ng awiting Side by Side na official anthem ng naturang culutural summit.

Kasama dito ni Darren ang ilan pang artist mula sa iba’t ibang bahagi ng Asia.

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *