nagsagawa
International

France, nagsagawa ng malawakang kilos-protesta laban sa ipinapatupad na pension system

LIBO-LIBO katao ang muling makikiisa sa ikalawang araw ng malawakang demonstrasyon sa France ngayong biyernes upang ipagprotesta ang ipinatutupad na reporma sa pension system ng bansa.

Tinatayang nasa 800,000 hanggang 1.5 milyon katao ang nakiisa sa malawakang kilos-protesta sa France laban kay French President Emmanuel Macron na nagsimula pa noong huwebes.

Layunin ni Macron na pasimplehin at isailalim na lamang sa isang single based system ang nasa mahigit 40 special pension schemes sa bansa upang maging patas ito sa lahat.

Nangamba naman ang ilang govt workers at professionals na baka kinakailangan nila magtrabaho ng mas matagal o di kaya ay makatanggap ng mas mababang pension sa ilalim ng bagong sistema.

Naging dahilan naman ito ng pagsasara ng mga paaralan at pagkaparalisa ng transport system sa bansa kung saan ilang flights ang nakansela at ilang international high-speed rail ang naantala.

Balak naman ng ilang union leaders na paabutin ng isang linggo ang demonstrasyon hangga’t hindi binabawi ng French President ang panukalang reporma sa pension system ng bansa.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *