Serena Williams at Andy Murray
Sports

Former world Number One Serena Williams at Andy Murray, magsasanib-puwersa

MAGSASANIB puwersa ang dalawang grand slam champions na sina Serena Williams at Andy Murray sa mixed doubles competition ng Wimbledon.

Iyan ang naging anunsyo ni Matt Gentry, agent ni Murray na aniya magtutulungan ang dalawang former world number one sa All England Club.

Nang hingan naman ng pahayag si Williams, aniya nirerespeto nito ang work ethic ni Murray at isa ito sa kaniyang hinahangaan sa larangan ng tennis.

Kung babalikan naman ang naging kontribusyon ni William sa tennis, ay maituturing na itong isang global icon sa naipanalo nitong dalawampu’t-tatlong major singles title maging ang kaniyang labing-apat na mixed doubles title kasama ang kapatid nitong si Venus.

Kung titignan naman ang record ni Murray, ay nakapagtala na ito ng Wimbledon Championship Title noong 2013 at 2016, US Open Title noong 2012 at tanging tennis player na nakapagpanalo na ng dalawang sunod na gintong medalya sa Olympics.

Samantala, ngayong Miyerkules ng umaga ang deadline nang pagsa-sign-up sa mixed doubles tournament.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *