Foreign minister ng South Korea, nakatakdang bumisita sa Middle East ngayong linggo

Foreign minister ng South Korea, nakatakdang bumisita sa Middle East ngayong linggo

NAKATAKDANG bumisita sa Middle East ngayong linggo si South Korea Foreign Minister Chung Eui-yong upang palakasin ang ugnayan at kooperasyon ng dalawang bansa.

Magsisimula ang four-day trip ni Foreign Minister Chung sa Middle East ngayong Biyernes kung saan  siya ay makikipag pulong sa kanyang katapat na si Abdullah bin Zayed Al Nahyan at plano ring mag courtesy call kay Crown Prince Mohammed bin Zayed Al Nahyan.

Inaasahan naman magkakaroon ng mga talakayan ang South Korea at UAE upang mapalakas ang kooperasyon sa iba`t ibang sektor tulad ng enerhiya, kalusugan at agrikultura at upang lalo pang paunlarin ang ugnayan ng dalawang bansa.

Kamakailan lang ay nagtungo rin si Minister Chung sa Paris upang dumalo sa taunang ministerial council meeting of the Organization for Economic Cooperation and Development (OECD).

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *