500 Chinese nationals
National

Forced repatriation, isasagawa sa mahigit 500 Chinese nationals sa Kalibo, Aklan

ISASAILALIM ang nasa mahigit 500 Chinese nationals na naiwan sa Kalibo, Aklan sa forced repatriation pabalik ng Wuhan City sa China.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), pawang nagmula sa Wuhan City ang mga nasabing Chinese national.

Nakapasok aniya ang mga ito sa Kalibo International Airport bago pa man maipatupad ang suspensyon sa biyahe ng mga eroplano mula at patungong Wuhan City.

Binigyan naman ng pagkakataon ng Wuhan City na makalapag ang eroplano sa paliparan upang maibalik ang mga Chinese national sa kabila ng lockdown sa lugar.

Magpapatuloy ang nasabing susupensyon hanggang umiiral pa ang novel coronavirus scare.

Kaugnay nito, tiniyak ng Department of Health (DOH) na tututukan nila ang mahigit 500 Chinese nationals mula Wuhan China na nakapasok sa Aklan.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nakabantay ang Bureau of Quarantine nang dumating sa Kalibo Airport ang nasabing mga dayuhan.

Siniguro dito nito na babatayan ng ahensya ang mga Chinese nationals at makikipag-ugnayan sila sa mga airports upang malaman kung may iba pang pinuntahan ang mga ito bukod sa Boracay.

Ito ay upang mas mapadali ang pag-trace sa mga lugar oras na kailanganin ng DOH na magsagawa ng contact tracing.

Batang Intsik na nagpositibo sa coronavirus, nasa mabuting kondisyon na

Nasa maayos o stable na ang condition ng isang batang intsik na napaulat na nag positibo sa coronavirus at mahigpit na binabantayan ngayun sa isang probadong ospital ng Cebu.

Kahit na nasa stable na ito, nanatili pa rin itong naka-confine at under-observation kasama ng kanyang ina.

Ayon kay Dr. Van Philip Baton, Medical Officer III ng DOH 7 wala na ang lagnat at ubo sa bata maging ang iba pang sintomas ng 2019 novel coronavirus. Negatibo rin ito sa SARS Cov at MERS Cov virus.

Sa ngayun, hinihintay pa rin nito ang resulta ng swab tests na pinadala ng Research Institute for Tropical Medicine sa Australia at kapag naging negatibo ang resulta nito ay posibleng mabigyan ito ng clearance para ma-discharge.

Dagdag pa ni Dr. Batun, sa ngayun wala pang kompirmadong kaso ng 2019 NCOV o Novel coronavirus dito sa Central Visayas.

Paliwanag pa nito, ayon sa pag-aaral karaniwang nakikita ang coronovirus sa ibat ibang klaseng hayup tulad ng camelyo at mga paniki.

May pitong strains na human coronavirus sa kasalukuyan, eto ay ang 22-9e, oc43, sars-cov, nl63, mers-cov, at ang pinaka huli ay ang wuhan coronavirus o Wuhan pneumonia.

Paalala ng DOH sa publiko na protektahan ang sarili sa respiratory tract infection sa pamamagitan ng maayos na dyeta, sapat na pahinga, handwashing at coughing etiquette.

Gumamit din ng surgical masks para ma protektahan ang sarili dahil ang transmission ng virus ay mula sa hangin o airborne, iwasan din ang natataong lugar, self-isolation at magpakunsulta kaagad sa doktor kapag nakaramdam ng hindi maganda sa katawan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *