forced evacuation
National

Forced evacuation sa mga residente ng Batangas, kukumpletuhin ngayong araw

TARGET makumpleto ngayong araw ang forced evacuation sa mga natitirang residente ng Batangas na hindi pa naililikas.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Undersecretary Ricardo Jalad, patuloy ang kanilang isinasagawang forced evacuation sa loob ng 14-km radius ng Bulkang Taal.

“Hindi naman lahat ay pumunta sa evacuation centers kasi yung iba ay tumuloy sa kanilang mga kamag-anak. So as of yesterday ay nasa 4,175 families ang nasa evacuation centers na around 76 evacuation centers dyan sa Batangas at nearby Cavite area. Nasa around 18,000 individuals ito,” pahayag ni Usec. Jalad.

Sa ngayon ay nagtutulungan ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa mga biktima ng pagsabog ng bulkan.

Huwag magpakalat ng fake news ukol sa Bulkang Taal

Samantala, nagpaalala naman ang NDRRMC hinggil sa pagkakalat ng pekeng balita tungkol sa aktibidad ng Bulkang Taal.

Ayon sa ahensya, maaaring makapagdulot ang mga pekeng balita ng panic at kalituhan lalo na sa mga apektadong residente.

Ginawa ng NDRRMC ang apela matapos ikaalarma ng mga evacuees ang mga balitang kumakalat sa social media na itinaas na ang Alert Level 5 sa bulkan.

Paalala ng Philippine Disaster Agency na manatiling alerto at handa at kumuha lamang ng impormasyon mula sa mga website o social media accounts ng reliable sources gaya ng NDRRMC, Office of the Civil Defense at Phivolcs.

Hinimok din ng ahensya ang publiko na tulungan sila na ibahagi lamang ang tama at reliable information sa sambayanang Pilipino.

Sinabi ng NDRRMC na ang pekeng balita ay maaring magdulot ng kalituhan at panic lalo na sa mga apektado nang residente at sa kanilang isinasagawang rescue efforts.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *