natanggap
Sports

Football star Lionell Messi, natanggap ang kaniyang ika-6 na Ballon d’Or Trophy

TINANGGAP ng football star na si Lionell Messi ang kaniyang ika-anim na Ballon d’Or Trophy nitong lunes.

Hindi naman makapanilawang tinanggap ni Messi ang kaniyang tropeyo sa Paris.

Sa kaniyang naging pahayag, hiniling nitong makapagpatuloy pa sa mga susunod na panahon at mapabilang sa mga tinitingala sa larangan ng football at maging isa pinakamagaling na manlalaro.

Dagdag pa ni Messi na mabilis lang oras kaya naman pag-iigihan pa nito sa kaniyang paglalatro at babalansehin ang lahat kasama ang kaniyang pamilya.

Matatandaang nasungkit din ni Messi ang Ballon d’Or trophy noong mga taong 2009, 2010, 2011, 2012, at 2015.

Samantala, nakuha naman ni Megan Rapinoe ang kaniyang unang trophy para naman sa women’s division.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *