First royal baby
International Showbiz Showbiz

First royal baby nina Meghan at Prince Harry, isinilang na

ISINILANG na ni Duchess of Sussex Meghan Markle ang first royal baby nila ni British Prince Harry.

Proud at masayang inanunsyo ni Prince Harry na matagumpay na ipinanganak ni Meghan ang kanilang royal baby boy na may bigat na 7 pounds.

Dagdag pa nito, perfectly healthy ang kaniyang baby boy bagaman overdue ito ng kaunti.

Plano anilang magkaroon ng isa pang announcement sa loob ng dalawang araw upang pormal na ipakita sa publiko ang kaniyang first born child.

Kasunod nito, agad na bumuhos ang pagbati mula sa ilang celebrities at personalities para sa panibagong miyembro ng royal family.

Ang isinilang na sanggol ang ika-walo sa mga apo ni Queen Elizabeth at ika-pito sa British Throne.

Oktubre nang nakaraang taon ng inanunsyo ng Kensington Palace ang pagdadalangtao ng Duchess of Sussex.

SMNINEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *