Final line-up ng Miss Universe Philippines 2020, muli na namang nabawasan

Final line-up ng Miss Universe Philippines 2020, muli na namang nabawasan

MULI na namang nabawasan ang bilang ng Miss Universe Philippines candidate.

Ito ay matapos na mag-withdraw ang isang kandidata na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay MUP Cagayan de Oro Representative Vincy Vacalares, hindi niya na maitutuloy pa ang kanyang journey sa first ever Miss Universe sa Pilipinas.

Si Vacalares ang pangalawa sa nag-withdraw ng candidacy sa MUP kasunod ni Sorsogon delegate Isabela Galeria.

Gayunpaman, humingi ng tawad si Vacalares sa mga naabala at nangakong lalahok ulit siya sa susunod na taon.

Samantala, mahigpit ang ipatutupad na health protocols sa coronation day ng MUP 2020 upang masigurong ligtas ang mga kandita, crew, staff, at mga panauhin na dadalo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *