Filipino-singer Peter Rosalita, natanggal sa semi-finals ng AGT

Filipino-singer Peter Rosalita, natanggal sa semi-finals ng AGT

NATANGGAL sa semi-finals round ng America’s Got Talent si ten-year-old Filipino Singer Peter Rosalita.

Kahapon, Setyembre a-dos nang kinanta ni Peter ang “Without You” ni Mariah Carey subalit dahil sa sinisinok ito sa pagsisimula ng kanyang performance, kinakailangan na tuloy na ulitin nya ang pagkanta.

Subalit kahit pa nakaapekto sa kanyang performance ang pagsinok para makapagpatuloy sa finals, tinawag pa rin syang true professional ng judge na si Howie Mandel dahil nakuha nitong ulitin ang pagkanta na parang walang nangyari.

Pawang tinawag ding amazing si Peter nina Heidi Klum, Sofia Vergara at Simon Cowell dahil sa kabila ng pagsinok, maganda pa rin ang resulta ng pagkanta nito.

Ang limang makakapagpatuloy sa finals ay sina Gina Brillon, Aidan Bryant, Dustin Tavella, Jimmie Herrod at World Taekwondo.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *