Filipino pop star group SB19, nominado sa 2021 Billboard Music Awards

Filipino pop star group SB19, nominado sa 2021 Billboard Music Awards

PINABILIB pa ng husto ng SB19 Filipino pop group ang mga fans nito dahil isa sila sa napili bilang Top Social Artist sa Billboard Music Awards.

Ang SB19 made A’TINs ay isa sa finalists ng 2021 BBMAs kasama ang mga batikan at sikat na Korean pop group kagaya ng BTS at Blackpink.

Kasama ang SB19 sa list of nominees na inilabas ng BBMAs sa fan-voted category.

Ang pagkakasali ng SB19 sa BBMAs ay isang ‘mark of history’ dahil sila ang kauna-unahang Filipino na-nominate dito.

Maliban sa BTS at Blackpink, kasama rin sa kategorya sina Ariana Grande, at Kpop boy group na Seventeen.

Inanunsyo ng Billboard ang mga nominado noong Huwebes ng gabi sa pamamagitan ng “The List Live” na live kasama ang Filipino-American social media star na si Bretman Rock na inanunsyo ang mga nominado sa nasabing kategorya.

Ang awarding ceremony ay matutunghayan live sa  Los Angeles via US network NBC ngayong May 23 alas 8 ng gabi.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *