Filipino music legend Heber Bartolome pumanaw na sa edad 73

Filipino music legend Heber Bartolome pumanaw na sa edad 73

PUMANAW na ang original Filipino music legend at folk singer na si Heber Bartolome noong Lunes ng gabi sa edad na pitumput-tatlo.

Ito ang kinumpirma ng kapatid nito na si Jesse Bartolome nitong Martes.

Ayon kay Jesse, biglaan ang pagpanaw ng kanyang kapatid dahil masaya pa na ipinagdiwang ni Heber ang kanyang kaarawan noong November 9.

Dagdag nito na ang kanyang kapatid ay may matagal na sakit sa prostate sa loob ng higit sa isang taon na maaaring dahilan ng kanyang pagpanaw.

Sa ngayon, wala pang detalye sa iskedyul ng libing, ngunit sinabi niya na maaari itong bukas sa publiko dahil ang pagkamatay ng kanyang kapatid ay walang kaugnayan sa COVID-19.

Si Heber Bartolome ay kilala sa kanyang mga awiting “Tayo’y mga Pinoy,” “Nena,” “Pasahero,” “Almusal,” at iba pa.

Naging lider rin si siya ng Filipino Society of Composers, Authors, and Publishers Incorporated (FILSCAP).

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *