Filipino karateka James de los Santos,  nakahakot na ng 7 gold ngayong 2021

Filipino karateka James de los Santos, nakahakot na ng 7 gold ngayong 2021

PATULOY ang pangingibabaw sa larangan ng karate ng isang Filipino karateka na si James de los Santos ngayong taon.

Ito ay matapos mapanalunan ni De los Santos ang Adidas USA Karate Open #2.

Kasalukuyang world number 1 ang Filipino karateka na humakot ng pitong gintong medalya para sa taong 2021 matapos talunin si Andrei Nedelcu ng Romania sa final, 25.1 – 24.7.

Unang natalo ni De los Santos si Alfredo Bustamante ng United States sa unang round bago talunin si Fabien Rassaby ng France sa quarterfinals.

Tinalo rin ng e-kata champion si Jaime Teruel ng Dominican Republic sa semifinals.

Samantala, nakakuha rin si Nedelcu ng gold medal matapos talunin si Nejc Sternisa ng Slovenia sa semifinals.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *