nasungkit ang gold medal
Sports

Filipino gymnast na si Carlos Edriel Yulo, nasungkit ang gold medal sa FIG Artistic World Championships sa Germany

SA unang pagkakataon ay nasungkit ng Pilipinas ang gold medal sa Men’s Floor Exercise event ng 41st FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Hans Schleyer Halle, Germany.

Ito ay matapos manalo ng gold medal ang Filipino gymnast na si Carlos Edriel “Caloy” Yulo.

Nakatakdang bumalik ng bansa ngayong araw si yulo na may ngiting tagumpay.

Ayon kay Gap President Cynthia Carrion, may courtesy call si Yulo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa miyerkules.

Matapos nito, lilipad uli pabalik ng Tokyo si Yulo at kanyang coach na si Munehiro Kugimiya para mag-training ulit.

Samantala, nagpaabot naman ng kaniyang pagbati kay Yulo si Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino.

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *