Filipino filmmaker, pinarangalan ng Best Direction sa 5th Calella Film Festival

Filipino filmmaker, pinarangalan ng Best Direction sa 5th Calella Film Festival

NAKATANGGAP ng parangal ang Filipino filmmaker na si Maria Diane Ventura na Millor Direccio o Best Direction sa 5th Calella Film Festival.

Naganap ang 5th Calella Film Festival noong October 2 hanggang October 10 2020.

Kaugnay ito sa pagdidirek niya palabas na Deine Farbe (Your Color) na pinagbibidahan ng mga sikat na German actors na sina Jannik Schümann at Nyamandi Adrian.

Lubos na nagpasalamat si Ventura sa natanggap niyang parangal at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nakamit.

Samantala, magugunita na nanalo rin siyang Best Woman Filmmaker and Best Feature sa Vegas Film Awards nito lamang February 2020.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *