Filipino boxer Nonito Donaire, pumirma ng promotional deal sa Probellum

Filipino boxer Nonito Donaire, pumirma ng promotional deal sa Probellum

PUMIRMA na si Filipino boxer Nonito “the flash” Donaire ng isang promotional deal sa Probellum.

Ang naturang boxing promotion ay pinangunahan ito ni dating golden boy promotions Chief Richard Schaefer.

Ilan sa kasama ni Donaire sa Probellum ay si Ricky Burns, Eduardo Hernandez at Brandon Moore.

Ibinahagi naman ni Donaire ang rason kung bakit sya pumirma ng promotional deal sa Probellum.

Aniya, nakitaan nya kasi ng potensyal si Schaefer ng leadership at passion para sa mga boxer na syang magiging susi para mas mapagaling pa ang mga ito.

Iaanunsyo naman umano ng Probellum ang magiging kauna-unahang laban ni Donaire sa ilalim ng naturang boxing promotions.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *