Filipina tennis player Alex Eala, pasok sa quarterfinals ng French Open Juniors Championships

Filipina tennis player Alex Eala, pasok sa quarterfinals ng French Open Juniors Championships

PASOK na sa quarterfinals ng French Open Juniors Championships ang Pinay tennis player na si Alex Eala.

Ito ay matapos talunin ni Eala sa Round 3 ang katunggali nitong si Leyre Romero ng Spain sa iskor na 6-1, 4-6, 6-1 sa Roland Garros Stadium sa Paris ngayong umaga.

Nakatakda namang makaharap sa Final 8 ni Eala si Linda Noskova ng Czech Republic.

Sa ngayon nasa hawak ni Eala ang second seed sa French Open matapos na bigong makapasok sa quarterfinals ang iba pang highest-ranked player.

Kabilang sa mga highest rank ng top seed na si Victoria Jimenez Kasintseva mula Andorra at 12th seeded Alexandra Yepifanova ng United States.

Samantala bigo namang makaabante sa second round ng French Open Doubles si Eala at partner nitong si Elvina Kalieva matapos matalo sa Italian duo na sina Eleonora Alvisi at Lisa Pagato.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *