Fil-Am singer Olivia Rodrigo, nanguna sa nominasyon sa American Music Awards

Fil-Am singer Olivia Rodrigo, nanguna sa nominasyon sa American Music Awards

NANGUNA sa dami ng nominasyon sa American Music Awards (A.M.A’s) ang Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo.

Nominado bilang Artist of the Year si Olivia kung saan makakatunggali nito sina Taylor Swift, Drake, Ariana Grande, BTS at The Weeknd.

Nominado rin ang kanta nito na “Drivers License” bilang Favorite Trending Song, Favorite Music Video, Favorite Pop Song, Favorite Female Pop Artist habang ang album nitong “Sour” ay nominado bilang Favorite Pop Album.

Sa November 21 naman maipapalabas ang A.M.A’s.

Matatandaang noong nakaraang taon nakuha ni Taylor Swift ang artist of the year ganun din ang pagiging Favorite Pop Rock Female at Favorite Music Video.

Matatandaan rin na nanguna bilang first-time nominee sa MTV Video Music Awards ang teenage singer na si Olivia Rodrigo na naganap sa naturang half-virtual/half-live awarding sa Barclays Center sa New York kung saan ay naging host dito si Doja Cat at kapwa nitong mga nominado.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *