Figure skater Michael Martinez, muling sasabak sa kompetisyon matapos ang tatlong taong pahinga

Figure skater Michael Martinez, muling sasabak sa kompetisyon matapos ang tatlong taong pahinga

MULING sasabak sa International Competition ang filipino Olympian figure skater na si Michael Martinez matapos ang tatlong taong pamamahinga nito.

Mangyayari ang pagbabalik ng 24-anyos na figure skater sa gaganaping Finlandia trophy ngayong Oktubre 7 hanggang 10 sa Espoo Finland.

Ayon sa Philippine skating union, bukod kay Martinez makakasama din sa naturang torneyo sina Sofia Frank at Christopher Caluza.

Ang 2021 Finland trophy ang ikaapat na serye ng siyam na events ng 2021-2022 figure skating challenger series ngayong buwan.

Matatandaan na ang huling kompetisyon na sinalihan ni Martinez ay ang Pyeongchang Winter Olympics noong 2018 kung saan nagtapos ito bilang –ika-28.

Nakatakda sana ang pagsali nito sa CS Nebelhorn trophy noong nakaraang buwan pero hindi na itinuloy dahil sa injury.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *