Recto Bank 22
Uncategorized

FFCCCII, sasagutin ang gastos sa nasirang bangka ng Recto Bank 22

SASAGUTIN na ng Federeration of Filipino Chinese Chamber Commerce and Industry, Inc. o FFCCCII ang nasirang bangka ng Recto Bank 22 na biktima ng insidente ng hit and run sa West Philippine Sea.

Nagkakahalaga ang donasyon ng P1.2 milyong at karagdagang P250, 000 na livelihood assistance sa 22 tripulanteng Pinoy na kasalukuyang nagsisimula na sa kanilang maliit na hanapbuhay.

Ayon  kay Dr. Henry Lim Bon Liong,  presidente ng FFCCCII,  ang nasabing tulong ay bilang tugon sa ilalim ng mandato ng grupo sa kanilang Socio Economic Intervention sa bansa.

Personal na tinanggap ni Felix dela Torre may-ari ng FB Gem-Ver 1 ang cheke habang tinanggap naman ng mga kinatawan ng Recro Bank 22 ang P250,000 na tulong pinansiyal.

Bukod sa pera, nakatakda ding dumating ngayong araw sa San Jose Occidental Mindoro ang 50 sako ng bigas na tulong din sa bawat pamilya ng Recto Bank 22.

Nauna ng nakatanggap ang mga tripulanteng Pinoy ng tulong pinansiyal at pangkabuhayan mula sa Bureau of Fishiries and Aquatic Resources sa ilalim ng Dept. of Agriculture.

Habang binisita na rin sila ng opisina ng bise presidente kasama na ang tig-P50, 000 na ayuda sa tinaguriang Recto Bank 22.

POL MONTIBON

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *