farmer-leaders
National

Farmer-leaders, sinanay sa ‘high quality inbred seeds’

NASA 31 farmer-leaders mula sa iba’t ibang lugar sa Luzon ang maswerteng nabigyan ng karagdagang kaalaman sa larangan ng pagsasaka.

Naging matagumpay ang pagbibigay kaalaman sa mga farmer-leaders tungkol sa mechanization at produksyon ng high quality inbred seeds.

Ito ay sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Villar Sipag Farm School, Philrice, Philippine Center.

Maging ng Post-Harvest Development and Mechanization o PhilMech at Agricultural Training Institute.

Magiging susi ang mga nagtapos na farmer-leaders sa naturang training na makatutulong sa kapwa nila magsasaka.

Ayon ito sa inaasahan ni Sen. Cynthia Villar, Chair ng Committee on Agriculture and Food.

Kaugnay nito, nais rin ng senador na magsagawa ng information campaign upang mabura ang maling paniniwala sa paggamit ng high-quality seeds.

At upang igiit ang mga benepisyo ng inbred seed sa pagpapataas sa ani at kita ng mga magsasaka.

Kabilang sa mga programang popondohan ng P10-billion Rice Competitiveness Enhancement Fund ang development, propagation at promotion ng inbred rice seeds.

Sa ilalim naman ito ng inaprubahang Rice Tariffication Bill.

Nagmula ang farmer-leaders na lumahok sa training program sa mga lalawigan sa Cordillera Autonomous Region, Region 1, Region 2, Region 3.

Kabilang din ang Calabarzon pati na sa Oriental Mindoro, Sorsogon, Camarines Sur at Albay.

Bukod naman sa graduation ceremonies ng mga farmers-leader, ipinakita rin sa event ang rice research and development technologies.

At mga serbisyo gaya ng rice varieties, machines, knowledge products, food products.

At ang farms apps na maaaring makatulong sa mga magsasaka sa modernong panahon ngayon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *