Facebook user na nagpapanggap na si PNP Chief Cascolan, pinaghahanap na

Facebook user na nagpapanggap na si PNP Chief Cascolan, pinaghahanap na

PINAGHAHANAP na ng Philippine National Police ang Facebook user na nagpapanggap bilang si PNP Chief Police Gen Camilo Cascolan para makapanghuthot ng pera.

Ayon kay ayon kay PNP anti-Cybercrime Group Police Brig. Gen. Dennis Agustin, nagsasagawa na sila ng case-build up operation laban sa suspek na maaring maharap sa mga kasong paglabag sa Anti-Cybercrime Law.

Sinabi ni Agustin na isang malapit na kaibigan ni Cascolan ang nagsumbong sa hepe ukol sa pagpapanggap ng suspek.

Nagpanggap aniya ang Facebook user bilang si Cascolan at inalok ang pamangkin ng kaibigan ng PNP Chief ng reassignment sa gusto nitong puwesto kapalit ng P10,000.

Kasunod ng insidente, nagbabala si PNP Spokesperson Police Col. Ysmael Yu sa publiko laban sa nasabing modus.

Sa datos mula sa PNP-ACG, hanggang noong September 17 ay kabuuang 76 katao na ang kinasuhan dahil sa 113 separate cases ng cybercrime-related offenses habang 27 violators ang naaresto simula noong Marso.

Mas malakas na PNP Medical Reserve Force, siniguro

Tiniyak naman ng Philippine National Police ang mas malakas na PNP Medical Reserve Force bilang tugon sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Police Lieutenant General Cesar Binag, mahigit 1,000 police personnel na may background sa health care ang naka-deploy na sa iba’t ibang quarantine facilities.

Bahagi anya ito ng sinimulang programa ni PNP Chief Police General Camilo Pancratius Cascolan na dating commander ng ASCOTF.

Nabatid na masigasig na naghanap ang PNP ng mga pulis na nakakatuwang ng mga medical frontliners sa laban sa COVID-19.

Maliban dito, nagtayo rin sila ng health unit sa bawat istasyon ng pulisya upang mapangalagaan ang kalusugan ang kanilang mga personnel.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *