Face-to-face interview sa contact tracer walk-in applicants, isagawa ngayong araw

Face-to-face interview sa contact tracer walk-in applicants, isagawa ngayong araw

MAGLULUNSAD ang DILG-Manila ng face-to-face interview sa mga contact tracer walk-in applicants sa lungsod.

Isasagawa ang face-to-face interview simula ngayong araw, Oktubre 14 hanggang 16, ganap na alas 9 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon sa Palma Hall, ikalawang palapag ng Unibersidad de Manila.

Sa Facebook post ng DILG-Manila, kabilang sa mga kinakailangan dokumento sa pag-apply ay nilagdaang letter of intent, personal data sheet, NBI clearance, TOR o diploma, certification mula sa unibersidad, drug test result at medical certificate.

Mahigpit ring ipinaaalala ng DILG-Manila sa mga aplikante na magsuot ng face mask at face shield, magdala ng sariling alcohol at ballpen at panatilihin ang physical distancing.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *