Extension ng contribution payment ng SSS, ilulunsad

Extension ng contribution payment ng SSS, ilulunsad

ILULUNSAD ng Social Security System (SSS) ang kanilang extension ng contribution payment sa lahat ng member-borrowers nito.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora Ignacio, palalawigin hanggang sa katapusan ng Setyembre ang contribution payment lalo na sa mga lugar sa labas ng National Capital Region na napasailalim sa pinakamahigpit na lockdown o ECQ.

Aniya, hinihintay na lamang na ilabas ang circular at guidelines para sa nasabing extension ng contribution payment.

Sinabi nito na aabot sa P680-M ang kinakailangan kolektahin ng ahensya sa mga miyembro nito na hindi pa nakakabayad dahil sa pandemya.

Kasunod nito, ipinaalam ni Ignacio na malaki ang epekto nito sa kanilang pondo dahil nabawasan ang nagbabayad sa SSS dahil sa unemployment, kamakailan aniya ang nakapagtala sila ng un-employment insurance benefit na binigay mula sa buwan ng Enero hanggang Hunyo.

“Ang laki po ng porsiyento na itinaas ng aming unemployment insurance benefit. Nito lang pong July 2020 hanggang June 2, 2021, nagkaroon po kami ng 240,000 na nakatanggap po na 1.75 million. Ito lang po iyong para doon sa mga formal sector na dumadaan through reimbursement ng kanilang mga sickness benefit. Doon po sa ating sickness benefit, from January 2021 to July 2021 lang po ay nagbayad tayo ng 2.21 billion na sickness benefit,’’ayon kay Ignacio.

Dagdag pa nito, pagdating naman aniya sa unemployment ay malaki ang itinaas na aabot sa P820-M mula Enero hanggang Hulyo kung ikukumpara noong nakarang taon na nasa P370-M lamang.

Matatandaang, tuwing Setyembre ay ginugunita ang Social Security System month bilang selebrasyon sa founding anniversary ng ahensya.

Maliban nito, asahan aniya ng nga miyembro ng SSS na marami pang programa ang handog nila para sa mga miyembrong patuloy na naapektuhan ng pandemya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *