Perfecto Yasay
National

Ex-Foreign Affairs Perfecto Yasay, inaresto dahil sa kasong paglabag sa New Central Bank Act

INARESTO ng pulisya si dating Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Perfecto Yasay kaugnay ng kasong paglabag umano sa New Central Bank Act.

Si Yasay ay inaresto kahapon ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Manila Regional Trial Court Branch 10.

Sangkot umano si Yasay at ang ilang dating opisyal ng Banco Filipino sa pag-grant ng P350-milyong loan sa isang “related interest” firm nang hindi dumadaan sa requisite approval.

Kabilang sa mga akusado sina dating Bank Chair Teodoro Arcenas Jr.; Director na sina Orlando Samson at Adelaida Adduru-Bowman; at Executive Vice President Francisco Rivera.

Sa kanyang online post, iginiit ni Yasay na wala siyang kinalaman sa kaso dahil taong 2009 ito umupo bilang Banco Filipino director.

Hindi umano ito maghahain ng piyansa at hihintayin ang hukom na may hawak na kaso para kwestyunin ang naging proseso.

Samantala, isinugod sa ospital ang dating kalihim matapos itong arestuhin ng pulisya kagabi.

Dahil ito sa pagtaas ng blood pressure ni Yasay na umabot sa 150 over 100.

Tiniyak ng MPD na walang special treatment na ibibigay ang kanilang tanggapan kay Yasay.

Posible namang maghain ng piyansa ang dating kalihim ngayon araw para sa kaniyang pansamantalang paglaya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *