National

Ex-Customs Chief Nicanor Faeldon, pinalaya na ng Senado

Ipinag-utos ng senado ang pagpapalaya kay dating Bureau of Customs (BOC)  Commissioner Nicanor Faeldon na na-detain dahil sa contempt mula buwan ng Setyembre ng nakaraang taon.

Ang pagpapalaya ay inanunsyo ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Dick Gordon, habang nagpapatuloy ang pagdinig sa 6.4 bilyong pisong halaga ng droga na naipuslit sa bansa mula sa China.

Sinabi ni Gordon, chairman ng komite, na laya na si Faeldon matapos nitong ipinangakong tatalima sya sa summons ng senado.

Nilinaw din ng senador na walang ibang kapalit ang pagpapalaya kay Faeldon kundi ang pagsunod lamang nito sa mga patakaran ng pagdinig.

Si Faeldon, na kasalukuyang Deputy Administrator ng Office of the Civil Defense ay unang na-detain sa Senado matapos tumangging makipagtulungan sa imbestigasyon ng  blue ribbon kaugnay sa 6.4-billion peso drug shipment mula sa China na nakapasok sa Manila Port.

Sa nagdaang linggo at ngayong umaga lamang na  pagdinig ng blue ribbon ay dumalo si Faeldon upang makipagtulungan sa imbestigasyon.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *