Andaya
National

Ex-Budget Sec. Andaya, tumangging magpasok ng plea sa kaniyang criminal charges

TUMANGGING magpasok ng anumang plea si dating Budget and Management (DBM) Secretary Rolando Andaya sa Sandiganbayan para sa kanyang 194 criminal charges na may kaugnayan sa P900 million Malampaya fund scam.

Ngayong araw nang humarap si Andaya sa kanyang arraignment sa Anti-Graft Court’s third division pero tumanggi itong magpasok ng plea para sa 97 counts ng kada kaso ng graft at malversation of public funds.

Dahil dito, ang Sandiganbayan na mismo ang nagpasok ng not guilty plea para sa dating DBM secretary.

Samantala, itinakda naman ng korte ang pre-trial ng mga kapwa akusado ng dating opisyal sa kaso na sina Janet Lim Napoles, dating Department of Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman at iba pa sa Agosto 9, pasado alas 8:30 ng umaga.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *