European Union electoral monitors, tinawag na espiya sa Venezuela

European Union electoral monitors, tinawag na espiya sa Venezuela

TINAWAG na espiya ni Venezuelan President Nicolas Maduro ang European Union electoral monitors na nagtungo sa bansa para mag-obserba sa eleksyon.

Matapos naibalita ang pagkakaroon umano ng kakulangan at iregularidad sa eleksyon sa Venezuela ay tinawag ni Venezuelan President Nicolas Maduro na mga espiya ang European Union electoral monitors.

Dagdag pa rito ay mas maaga umano sa Disyembre 13 ang alis ng mga monitor sa bansa kung saan una na itong napagplanuhan ng dalawang bansa.

Nagpadala ng 130 katao ang EU para magmonitor sa eleksyon sa Venezuela kung saan ang iba dito ay umalis na, ngunit may ilan pa dito ang nananatili para sa mga interview at nangangalap ng karagdagang impormasyon para sa final report na gagawin nito na siya namang irerelease sa Pebrero.

Ayon sa impormasyon ay aalis na ng bansa ang natitirang mga staff sa darating na weekend matapos na hindi palawigin ng Ministry of Foreign Affairs ang kanilang visa.

Diumano`y nakatanggap umano ang EU monitoring team ng order na umalis na ng bansa mula sa Foreign Ministry at National Electoral Council.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *