Essential workers sa Mandaluyong City, babakunahan vs COVID-19 ngayong araw

Essential workers sa Mandaluyong City, babakunahan vs COVID-19 ngayong araw

MAGSASAGAWA ng symbolic vaccination ang Mandaluyong City LGU sa kanilang mga residente na nabibilang sa A4 priority group o essential workers at economic frontliners.

Ngayong araw, maagang tumungo ang ilang tricycle drivers sa mega vaccination site na nasa labas ng Mandaluyong City Hall.

Alas sais pa lang ng umaga ay pumila na ang mga ito para magpabakuna kontra COVID-19 vaccine.

Nakaiskedyul ang mga naturang drayber ngayon na maturukan ng COVID-19 vaccine matapos buksan ang A4 priority group o mga economic frontliners.

Magsisimula naman ng alas 10:00 ng umaga ang symbolic vaccination para sa mga essential workers na gaganapin sa Mega Tent 1 vaccination site ng naturang lungsod.

Para sa Mandaluyong LGU, makatutulong ang pagbabakuna ng mga economic frontliners sa muling pagbangon ng ekonomiya ng lungsod at ng maging ng bansa.

Ayon sa NEDA, nasa 3.5 million katao ang target na maturukan ng COVID-19 vaccine sa ilalim ng A4 priority group.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang bakunahan sa healthcare workers, senior citizens, at persons with comorbidities sa lungsod ng Mandaluyong.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 94,167 ang naipamahaging bakuna sa mga residente ng Mandaluyong.

Sa nasabing bilang 74,314 ay nakatanggap na ng first dose ng COVID-19 vaccine.

Umabot naman sa 19,853 indibidwal ang nabakunahan ng full dose kontra COVID-19.

(BASAHIN: A4 vaccination, mag-uumpisa ngayong buwan hanggang Nobyembre)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *