Erwin Tulfo
National

Erwin Tulfo, idineklarang persona non grata ng PMA Alumni

IDINEKLARA bilang persona non grata ng Philippine Military Academy Alumni Association Inc. (PMAAI) ang broadcaster na si Erwin Tulfo.

Kasunod ito ng naging banat ni Tulfo kay retired general at ngayo’y Department of Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista matapos itong tumangging magpaunlak ng panayam sa programa nitong Tutok Tulfo.

Magugunitang nakatanggap ng panlalait at matatalas na salita si Bautista mula kay Tulfo.

Gayunman, humingi naman ng paumanhin si Erwin sa kalihim sa mga binitiwan nitong salita bagay na tinanggap naman ni Bautista sa ilang kondisyon.

Samantala, gagawa na ng nararapat na aksyon ang mga otoridad sakaling mabigo ang radio broadcaster na si Erwin Tulfo na isuko ang kanyang mga armas.

Sa pulong balitaan, sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na maaari silang magpatupad ng police action laban kay Tulfo at ilang indibwal na rin ang kanilang nagawan nito.

Ayon naman kay PNP Firearms and Explosives Office Chief Brigadier General Valeriano de Leon, hindi pa rin isinusuko ni Tulfo ang kanyang mga baril sa kabila ng pag-expired ng kanyang License to Own and Possess Firearms (LTOPF).

Sinabi ni De Leon na personal nilang isinilbi ang sulat at nagpadala din sila ng e-mail dito.

Sa ngayon aniya ay wala pa sila itinatakdang deadline kay Tulfo para isuko ang mga armas nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *