Business

ERC, hinikayat na panagutin ang Distribution Utilities na hindi sumunod sa advisory

HINIMOK ni Senator Sherwin Gatchalian ang Energy Regulatory Commission o ERC na parusahan ang Distribution Utilities o DUs na bigong sumunod sa Power Advisory ng tanggapan.

 

Ayon kay Gatchalian na siyang Chairman ng Senate Committe on Energy na dahil sa hindi pag-comply ng DUs ay marami sa mga ating kababayan ang nakaranas ng bill shock dahil sa biglang pagtaas ng babayarin nila sa kuryente.

 

Base sa report ay nasa 204 na reklamo ang natanggap ng komite ng senador mula sa 179 na mga complainants at mula sa 179 na ito, 176 ay mga reklamo laban sa pinakamalaking distribution utilities sa bansa —ang Meralco.

 

Sinabi pa ng senador na kahit ito ay nakaranas ng bill shock ng matanggap ang bill nito para sa buwan ng Mayo na umabot sa P23, 000 na kasama na pala doon ang ginawa nilang adjustment o estimation para sa power consumption ng senador mula sa buwan ng Marso hanggang Abril.

 

Ang paglabag aniya dito ng Meralco ay ang kabiguang mailagay  ang salitang “estimate” sa billing statement,  ang kabiguang makapagbigay ng line item para sa monthly installment na pagbabayad ng kuryente at ang kanilang ginawang collection ng Universal Charges-Environmental Charges at ang Feed-in-Tariff Allowance sa mga consumer.

 

Ayon naman sa ERC sa isang pagdinig sa Senado na mahigpit ang kanilang naging kautusan sa mga DU na maging specific o detalyado sa pagbibigay ng estimation sa mga electric bill at ang pagbibigay ng mula apat hanggang anim na buwan na installment period para hindi maging mahirap sa mga naapektuhan ng lockdown ang pagbabayad ng kanilang mga bills.

 

Mula naman sa report ng ERC ay nasa 6 na mga distribution utilities ang kanilang nakitaan ng paglabag sa mga nasabing mga power advisory ng tanggapan.

 

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close