DENR
National

Environmental group, nanawagan na i-ban ang open pit mining sa bansa

IPATUTUPAD na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ban ng open pit mining sa bansa.

Ito ang panawagan ng Alyansa Tigil Mina o ATM at ng iba’t-ibang sektor kay Environment Secretary Roy Cimatu.

Matapos ang pinakahuling epekto ng Bagyong Ompong na sumalanta sa mga rehiyon kung saan may operasyon ng open pit mining.

Nagkaisa ang grupo sa kanilang panawagan kay Cimatu na ipatupad ang closure ng nasa 26 na mining operations na lumabag sa environmental laws ng bansa.

Maging si dating Environmental Secretary Gina Lopez ay nanawagan din sa kasalukuyang pamunuan ng DENR na ipasara na ang mga minahan.

Tinukoy naman ng grupo na isa sa mga minahan na ipinasara noon ni Lopez ay lubhang tinamaan ng landslide.

Matapos manalasa ang Bagyong Ompong sa probinsya ng Benguet.

Batay sa huling tala ng Philippine Information Agency ng Cordillera, nasa 34 na ang nasawi sa Itogon dahil sa landslide.

Haharangin naman ni Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin ang budget ng DENR sa plenary.

Kapag aniya ay hindi nito ilalabas ang mining audit report ni Lopez noong ito pa ang kalihim ng DENR.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *